Add parallel Print Page Options

17 Ang(A) ika-15 araw ang simula ng pista, at pitong araw kayong kakain ng tinapay na walang pampaalsa. 18 Sa unang araw, magdaraos kayo ng banal na pagpupulong. Huwag kayong magtatrabaho sa araw na iyon. 19 Sa halip, magdala kayo ng handog na susunugin. Ito ang ihahandog ninyo: dalawang batang toro, isang lalaking tupa at pitong tupang tig-iisang taóng gulang at walang kapintasan.

Read full chapter